Tuesday, October 10, 2017

Ako'y Isang Pinoy Lyrics

Ako'y Isang Pinoy


Ako'y isang Pinoy
Sa puso't diwa
Pinoy na isinilang
Sa ating bansa

Ako'y hindi sanay sa wikang
Mga banyaga
Ako'y pinoy na mayroong
Sariling wika


Chorus
Wikang pambansa
Ang lagi kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad ko lagi ang kalayaan


Si Gat Jose Rizal nuo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa

Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.

Repeat Chorus
Repeat 1st verse


Paruparong Bukid  (Tagalog Folk Song) Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papaga-pagaspas Isang bara ang tapis Isang dang...